Mag-utol nailigtas sa hostage-taker

MANILA, Philippines - Dalawang bata ang nasagip matapos na i-hostage ng ka-live-in ng kanilang ina sa ilang oras na hostage-drama sa Barangay Bolong, Zamboanga City, Zamboanga del Sur kamakalawa. Pormal na kinasuhan ng pulisya ang suspek na si Francis Torres, 31, ng Sitio Calye Bisaya sa nabanggit na barangay. Ayon sa imbestigasyon, bigla na lamang nagwala ang suspek na armado ng itak at hinostage ang magkapatid kung saan ikinulong sa kuwarto. Namayani naman ang tensiyon bunga ng insidente kung saan mabilis na rumesponde ang mga operatiba ng pulisya. Matapos ang ilang oras ay nagwakas ang hostage drama matapos na sunggaban ng mga awtoridad ang nakalingat na suspek at nailigtas ang mag-utol.

Show comments