Pangulo ng senior citizen, kinatay

Pangulo ng senior citizen, kinatay

NORTH COTABATO, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng 68-anyos na pangulo ng grupong senior citizen matapos itong pagsasaksakin at pagtatagain ng di-kilalang lalaki sa kanyang bahay sa Barangay Maguling, bayan ng Maitum, Saranggani, ayon sa ulat kahapon.

Ayon kay P/Senior Insp. Marvin Caresma, Hepe ng Maitum PNP, tatlong araw nang patay ang biktimang si Ruby Reganit Mateo  na nakahiga sa loob mismo ng kanyang bahay.

Batay sa imbestigasyon, nasa state of decomposition na ang katawan ng biktimang tadtad ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Napag-alamang si Mateo ay retiradong district supervisor bago tumayong pangulo ng nasabing samahan.

Nabatid na nag-iisa lamang ang biktima sa kanyang bahay nang mangyari ang krimen.

Mismong ang mga pamangkin ng biktima ang nakadiskubre sa insidente dahil hindi sumasagot sa cellphone ang matanda kaya inusisa nila ang bahay.

Narekober sa crime scene ang kutsilyo at palakol na ginamit ng suspek na sinasabing may matinding galit sa biktima.

Show comments