Welder pinabulagta sa bike

QUEZON, Philippines – Napaslang ang 36-anyos na welder matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem gunmen sa kahabaan ng highway sa Barangay Anastacia sa bayan ng Tiaong, Quezon kamakalawa ng umaga. Apat na tama ng bala ng cal. 45 pistol ang tumapos sa buhay ni Ronald Alcantara ng Sitio Calumpit sa Barangay Talisay. Sa ulat na isinumite kay P/Supt. Laudemer Llaneta, hepe ng Tiaong PNP, nakaangkas sa motorsiklong minamaneho ni Matt Japson ang biktima na patungo sa talyer na kanilang pinapasukan nang buntutan ng motorsiklo na lulan ang dalawang hindi kilalang lalaki. Pagsapit sa barangay road ay niratrat si Alcantara kung saan nagawa namang makatalon ni Japson at makapagtago kaya hindi nagawang paputukan ng gunmen. Matapos ang krimen ay tumakas patungo sa direksyon ng Barangay Lusacan ang gunmen. Tony Sandoval

Show comments