Mister iniwan ni misis, nagbigti

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya , Philippines– Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 30-anyos na mister na sinasabing iniwan ng kanyang asawa matapos itong magbigti sa tower ng kuryente sa Barangay San Luis, bayan ng Solano, Nueva Vizcaya kahapon ng madaling araw. Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, natagpuan ang katawan ng biktimang si Fortunato Bico ng Sitio Camcam na nakabitin sa tower ng kuryente ng NGCP. Sa teorya ng pulisya na kamakalawa ng gabi nagbigti ang biktima gamit ang nylon dahil sa matigas na umano ang bangkay nito nang ibaba mula sa nasabing tower. Wala namang nakitang foul play ang pulisya kung saan madalas umanong sinasabi ng biktima na magpapakamatay matapos iwan ng kanyang asawa dalawang taon na ang nakalipas.Victor Martin

 

Show comments