^

Probinsiya

Opisyal ng NPA sa Bicol, tiklo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Arestado ang itinutu­ring na ikalawang mataas na lider ng New People’s Army sa Bicol Region sa isinagawang operasyon ng tropa ng militar at pulisya sa Cabuyao, Laguna kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Major Angelo Guzman, spokesman ng AFP Southern Luzon Command ang lider ng NPA na si Reynaldo Hugo, executive operations officer ng NPA sa Bicol Region.

Ayon kay Guzman, si Hugo na gumagamit ng mga alyas Ka Adel, Bitoy, Yulo at Ka Julian ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest sa kasong multiple murder at multiple frustrated murder na inisyu ng Branch 50, 5th Judicial Region sa San Jose, Camarines Sur.

Nabatid na ang grupo ni Hugo ay sangkot sa talamak na pangingikil ng revolutionary tax sa hanay ng mga sibilyang hinaharass nito.

Magugunita na noong nakalipas na taon ay tatlong matataas na lider ng NPA sa Bicol Region ang nasakote ng mga awtoridad na kinilalang sina Mario dela Cruz, regional secretary ng kilusan; Sylvestre Layones, executive committee at si Elias Florentino Pura, secretary ng NPA sa Sorsogon. Joy Cantos

 

BICOL REGION

CAMARINES SUR

ELIAS FLORENTINO PURA

JOY CANTOS

JUDICIAL REGION

KA ADEL

KA JULIAN

MAJOR ANGELO GUZMAN

NEW PEOPLE

REYNALDO HUGO

SAN JOSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with