^

Probinsiya

2 patay sa flashflood; 15,000 katao apektado

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

COTABATO, Philippines - Dalawa katao ang iniulat na nasawi habang tinataya namang mahigit sa 15,000 re­sidente ang naapektuhan  sanhi ng flashflood o mga pagbaha sa anim na bayan ng North Cotabato, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ang mga nasawi na sina Marc Ren Amores, 14 an­yos ng Brgy. Bangilan, Kabacan at ang  magsasakang si Winnie Pajenado, 61-anyos, nalunod naman sa Arakan; pawang ng nasabing lalawigan.

Sa ulat ng Office of Civil Defense (OCD) Region 12, nagulantang na lamang ang mga residente sa pagragasa ng baha sa kanilang  lugar nitong Huwebes sanhi ng malalakas na pagbuhos ng ulan.

 Pinakagrabe namang naapektuhan ng mga pagbaha ay ang Brgy. Poblacion, Dagupan, Katidtuan, Aringay, Bangilan, Kayaga, Plang sa bayan ng Kabacan kung saan nasa 15,000 ang naapektuhan na karamihan ay nagsilikas.

Samantalang bunsod ng mga pagbaha ay sinuspinde angklase sa University of Southern Mindanao. Apektado rin ng mga pagbaha ang mga bayan ng Pikit, Matalam, Magpet at President Roxas na nakaa­pekto sa libong katao sa lugar.

BANGILAN

BRGY

KABACAN

MARC REN AMORES

NORTH COTABATO

OFFICE OF CIVIL DEFENSE

PRESIDENT ROXAS

UNIVERSITY OF SOUTHERN MINDANAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with