MANILA, Philippines - Dahil sa sobrang taas ng libido nakuhang pagtatagain ng isang 49-anyos na lolo ang tatlong paslit na apo ng kanyang live-in partner habang natutulog ang mga ito sa loob ng kanilang bahay sa Zone 2, Brgy. Antipolo, Tinambac, Camarines Sur nitong Miyerkules ng madaling araw.
Ang suspek na si Jose Frungoso, alyas Felipe, ay nadakip sa isinagawang follow-up operation ng mga otoridad sa bahay ng kapatid nitong si Pedro Frungoso sa Barangay Maysalay, Goa ng nasabing lalawigan.
Patuloy naman na isinasalba sa Bicol Medical Center ang buhay ng mga biktimang sina Princess Mendilla, 9, Frank Errol, 8 at Onaces, 7; mga apo ng live-in partner ng suspek na itinago sa pangalang Melba, tinatayang mahigit 50-anyos.
Sa report ng pulisya, naganap ang insidente sa bahay ng mag-live-in-partner sa Zone 2, Brgy. Antipolo sa bayan ng Tinambac, kung saan umuwi umano ang suspek na lasing at nais makipag-sex kay Melba. Ngunit dahil katabi ni nito ang mga apong natutulog ay tumanggi itong pasipingin ang suspek na ikinagalit nito.
Agad umanong kumuha ng itak ang suspek at pinagtataga ang mga walang muwang na biktima at saka tumakas.