4 kawatan ng ginto, tiklo

MANILA, Philippines – Kalaboso ang apat na kalalakihan matapos maaktuhang nagnakaw ng tatlong sako ng ginto sa minahan sa bayan ng Itogon, Benguet, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni P/Senior Supt. Rodolfo Azurin ang mga suspek na sina Ronald Liban, 25; Nandes Banglag, 42; Lamen Chagit, 30; at si Jayson Panal, 22. Bandang alas-4 ng madaling araw nang maaktuhan ng nagpapatrulyang guwardiya ng Benguet Corporation sa 4J Level 1700 ang mga suspek habang buhat ang tigi-isang sako ng gold ores na tumi­timbang ng 54.7 kilo. Nakumpiska rin sa mga suspek ang dalawang piraso ng skull guards, apat na piraso ng China lamp, 2-piraso ng moll bar at martilyo.

Show comments