Trader dedo sa akyat-bahay

NUEVA ECIJA, Philippines – Napatay ang 69-anyos na negos­yante makaraang barilin ng isa sa apat na miyembro ng Akyat-Bahay Gang na nanloob sa kanyang bahay sa Barangay San Nicolas, Gapan City sa Nueva Ecija noong Lunes ng madaling araw. Sa imbestigasyon ng pulisya, bandang alauna ng madaling araw nang pasukin  ng mga kawatan ang bahay ng biktimang si Manuel Espinosa Jr. Gayon pa man, nagising ang biktima sa ingay na nilikha ng mga kawatan kaya nanlaban ito pero binaril siya ng isa sa mga kawatan. Bago tumakas, tinangay ang mga alahas, P30,000 cash at cal. 45 pistol na pag-aari ng biktima.

Show comments