Love triangle: Driver nilikida

BULACAN, Philippines – Pinaniniwalaang love triangle ang isa sa motibo kaya binaril at napatay  ng di-kilalang lalaki ang 24-anyos na driver sa kanilang bahay sa Barangay Gabihan, bayan ng San Ildefonso, Bulacan kamakalawa ng gabi. Hindi na umabot pa ng buhay sa RDC Galvez Hospital ang biktimang si Jay Jay Dela Cruz ng Sitio Mapalasan sa nasabing barangay. Sa imbestigasyon nina SPO1 Roger Alcantara at PO2 Marilou Pardo, naghahapunan ang biktima kasama ang kanyang pamilya nang biglang may kumatok sa pintuan ng kanilang bahay. Sinilip muna ng biktima ang kumakatok at nang buksan na ang pintuan ay dito na siya binaril sa tiyan.

 

Show comments