Misis, 2 anak kinatay muna, mister nag-suicide
MANILA, Philippines - Naburyong ang isang mister matapos nitong mapatay sa saksak ang kaniyang misis at dalawang anak bago nag-suicide sa kanilang bahay sa Iligan City, Lanao del Norte kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang napatay na misis na si Roallyn Hinobele Lanojan, 27, salelady sa ukay-ukay store; mga anak na sina Crisel Joy, 5; at Dodong, 2, habang nagsaksak naman sa sarili ang ama na si Bernabe Lanojan na pawang nakatira sa Barangay Tubod sa nasabing lungsod.
Napag-alamang nabu-labog ang mga kapitbahay ng pamilya Lanojan matapos na marinig ang malalakas na kalabugan at paghingi ng saklolo ng mag-iina kaya tumawag ang mga ito sahimpilan ng pulisya.
Gayon pa man, nang dumating ang mga pulis ay napilitan ang mga itong wasakin ang pintuan ng bahay ng pamilya dahil nakakandado kung saan bumungad ang bangkay ng mag-iina.
Samantala, naghihingalo pa si Bernabe nang abutan ng mga pulis kaya isinugod sa pagamutan pero namatay din.
Narekober sa crime scene ang patalim na ginamit ni Bernabe at ang suicide note.
Lumilitaw naman sa imbestigasyon na matinding selos ang ugat ng krimen dahil naghihinala ang suspek na may ibang lalaki ang kaniyang misis kaya palagi itong ginagabi sa pag-uwi.
- Latest