MANILA, Philippines – Nilinaw kahapon ni P/Chief Insp. Gil Tisado Torralba, hepe ng Silang PNP ang lumabas na ulat noong Linggo (Enero 4, 2015) kaugnay sa puting Toyota Innova na ginamit sa pagdukot sa Indian trader sa Barangay Munting Ilog sa bayan ng Silang, Cavite ay may nakalagay na “lost plate” at hindi ‘yung lumabas na PUI664. Humihingi ng paumanhin si Torralba sa nagawang pagkakamali ng kanyang mga tauhan.