Arabo lunod sa beach resort

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Patay ang 16-anyos na binatilyong Arabo matapos itong malunod habang naliligo sa beach resort sa Barangay Urbiztondo sa bayan ng San Juan, La Union kamakalawa. Kinilala ni P/Senior Insp. Regelio Miedes, hepe ng San Juan PNP ang biktima na si Amgad Faez Abdullah Qasem ng Riyadh, Saudi Arabia, at pansamantalang nanunuluyan sa Brookside, Baguio City. Nabatid na kasama ng biktima ang dalawa pang kaibigang Arabo nang maligo sa beach kung saan napadpad sa malalim na bahagi ng dagat ang binatilyo hanggang sa biglang maglaho ito. Humingi naman ng tulong sa mga kinauukulang ahensya ng lokal na pamahalaan ang dalawang kasama ng biktima subalit hindi na naisalba pa ang buhay.

Show comments