MANILA, Philippines - Niyanig ng magnitude 3.7 na lindol ang bahagi ng Surigao del Norte kahapon ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanoligist and Seismolgy (Phivolcs). Naramdaman ang pag-uga mula sa may apat na nakilometrong lalim sa kanlurang bahagi ng bayan ng Burgos sa Surigao del Norte, bandang alas-9: 33 ng umaga. Wala namang iniulat na mga aftershock at mga nawasak na ari-arian sa pagyanig.