TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Kalaboso ang bagsak ng 33-anyos na adik matapos gulpihin ang kanyang utol na dalagita nang mapagkamalang tawas ang sinisinghot na shabu kamakalawa sa Barangay Limbauan, bayan ng San Pablo sa Isabela.
Arestado naman ng mga tauhan ni P/Senior Insp. Alford Accad ang suspek na si Albert Alingod ng Sitio Caddangan sa nasabing barangay. ?
Sa imbestigasyon ng pulisya, napagkamalan ng dalagita na tawas ang shabu na nakalagay sa maliit na lata ng whitening cream.
Gayon pa man, ipampupunas sana ng dalagita sa kanyang kili-kili ang nakalagay sa plastic sachet ng shabu subalit naagapan itong agawin ng suspek saka ginulpi ang kanyang utol.
Kaagad namang rumesponde ang pulisya sa naganap na kaguluhan para awatin ng suspek subalit nadiskubre ang pinagmulan ng gulo kaya inaresto ito.