2 sundalong bihag ng NPA pinalaya na
MANILA, Philippines – Matapos ang mahigit 4 na buwang pagkakabihag, pinalaya na ng mga rebeldeng NPA ang bihag nilang dalawang sundalo sa Brgy. Saint Peter Malaybalay City, Bukidnon nitong Biyernes.
Kinilala ni Major Ezra Balagtey, Spokesman ng AFP Eastern Mindanao Command ang mga pinalayang bihag na sina Pfc. Jerrel Yorong at Pfc. Manuel Cinches, kapwa kasapi ng Army’s 8th Infantry Battalion (IB).
Bandang alas-10:55 ng umaga, ayon kay Balagtey ng pakawalan ng mga rebelde sina Yorong at Cinches sa Brgy. St. Peter ng lungsod ng Malaybalay.
Ang mga ito ay binihag ng mga armadong rebelde sa bayan ng Impasug-ong, Bukidnon noong nakalipas na Agosto 22 ng taong ito.
Nabatid pa sa opisyal na mahina ang kondisyon ng katawan ng dalawang sundalo at bukod dito’y bumagsak din ang kalusugan ng mga ito.
- Latest