Dumalo sa Christmas party, nalunod

MANILA, Philippines – Patay ang 34-anyos na service clerk na dumalo sa kanilang Christmas party matapos itong malunod sa sa resort sa San Pedro City, Laguna kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Isidro Junio Jr., may-asawa, food service clerk ng S&R Food Services at naninirahan sa Barangay North Signal Village, Taguig City.

Sa ulat ng Laguna PNP office na isinumite sa Camp Crame, ang bangkay ng biktima ay natagpuan dakong alas-3 ng madaling araw sa ilalim ng swimming pool sa Esquevel Resort sa Barangay San Vicente sa nabanggit na lungsod.

Nabatid na ang biktima ay dumalo sa Christmas party ng kanilang kumpanya sa nasabing resort.

Nagsimula ang okasyon dakong alas-8 ng gabi kung saan nagtapos bandang alas-3 ng madaling araw.

Kinabukasan ay nagulantang na lamang ang mga kasamahan ng biktima nang makitang nasa ilalim ito ng pool.

Show comments