Tinedyer dinedo habang jumijingel

CAVITE, Philippines – Napatay ang 17-anyos na tinedyer matapos itong pagbabarilin ng di-kilalang suspek habang jumijingel sa likuran ng kanilang bahay sa Barangay Kayquit, bayan ng Indang, Cavite kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa dibdib ang biktimang poultry helper na si Jules Edward Bolante. Sa police report, lumilitaw na nakipag-inuman ang biktima sa kanyang mga pinsan, utol at nanay kung saan nagpaalam ito na jijingel lamang sa likuran ng kanilang bahay. Umalingawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril kung saan duguang bumulagta ang biktima. Naisugod pa sa ospital subalit idineklarang patay ang biktima.

Show comments