Davao Oriental nilindol

MANILA, Philippines - Binalot ng tensyon ang mga residente sa Davao Oriental makaraang makaranas ng magnitude 4 na lindol kahapon ng madaling araw. Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanologist and Seismology (Phivolcs), partikular na naramdaman ang lindol sa may timog-kanluran ng Santa Maria, Davao Oriental bandang alas-12:47 ng madaling araw. Umabot sa 21 kilometrong lalim ang lindol kung saan nagkikiskisan ang mga bato kaya naramdaman ang pag-uga ng lupa. Wala namang iniulat na nasaktan sa nasabing pagyanig kung saan wala namang inaasahang aftershocks.

 

Show comments