Misis nalason sa ulam na tahong
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Isa ang namatay habang apat naman ang naisugod sa ospital makaraang malason sa kinaing tahong na kontaminado ng red tide toxins sa bayan ng Bolinao, Pangasinan kamakalawa. Kinilala ni Dr. Jeremy Rosario, assistant provincial health officer ang namatay na si Manilyn Conde na idineklarang patay sa Bolinao Community Hospital. Habang inilipat sa Western Pangasinan District Hospital sina Ruben De Guzman, Bernardo Clave, Saniata Baliton, at si Julie Danao na nagmula pa sa iba’t ibang barangay sa bayan ng Bolinao. Sinabi ni Rosario na kasalukuyan nang sinisiyasat ng DOH ang pagkalat ng red tide toxins sa mga bayan ng Bani at Bolinao. Raymund Catindig
- Latest