^

Probinsiya

Mag-asawa kinatay ng kaaway ng anak

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

QUEZON, Philippines – Nagmistulang karne ng hayop ang katawan ng mag-asawang magsasaka makaraang pagtatagain ng di-kilalang lalaki na sinasabing nakaaway ng kanilang anak kamakalawa ng gabi sa Barangay Peñafrancia, bayan ng Lopez, Quezon.

Kinilala ng pulisya ang mag-asawa na sina Sofio Santiago Sr., 69; at Salvacion Santiago, 71, habang pinaghahanap ng pulisya ang suspek na pansamantalang hindi muna isiniwalat ang pagkakakilanlan.

Sa ulat ng Lopez PNP, naganap ang pamamaslang dakong alas-7 ng gabi habang ang mag-asawa ay naghahanda ng hapunan.

Napag-alamang duma­ting sa bahay ng mag-asawa ang isang lalaki kung saan hinahanap ang kanilang anak na si Andy na pinaniniwalaang may atraso.

Nang hindi makita ang pakay ay pinagdiskitahang pagtatagain ng suspek ang mag-asawa sa pamamagitan ng gulok na nakasabit sa dingding ng bahay.

Pinaniniwalaang pinatay ng suspek ang mag-asawa para makaganti sa kanilang anak.

vuukle comment

ANDY

BARANGAY PE

KINILALA

LOPEZ

MAG

NAGMISTULANG

SALVACION SANTIAGO

SOFIO SANTIAGO SR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with