2 BIFFs patay sa encounter
MANILA, Philippines – Patay ang dalawang rebeldeng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) habang dalawa namang sundalo ang nasugatan sa panibagong bakbakan na naganap sa liblib na bahagi ng Barangay Nabundas, bayan ng Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao kahapon ng umaga. Kasalukuyang bineberipika ang pagkakakilanlan ng dalawang tauhan nina Commander Sanad at Kumander Bisaya. Sa ulat na nakarating kay Captain Jay Maniwang ng Army’s 601st Infantry Brigade, nakasagupa ng tropa ng militar ang grupo ng BIFF sa nasabing lugar. Nabatid na nagsasagawa ng security patrol ang dalawang platoon ng Army’s 45th Infantry Battalion para hanapin ang napaulat na nakatanim na mga improvised explosive device nang makasagupa ang tropa ng BIFF rebs.
- Latest