Sanggol itinapon ng ina, natagpuan

QUEZON, Philippines – Nailigtas sa tiyak na kamatayan ang 5-buwang gulang na sanggol na babae na sinasabing inabandona ng di-kilalang ina matapos itong matagpuan ng pedicab driver sa madamong bahagi sa Purok 1-A, Barangay Dalahican sa Lucena City, Quezon kamakalawa ng umaga. Nasa panga­ngalaga ngayon ng lokal na sangay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang sanggol habang patuloy pang inaalam ng Women’s Desk Section ng Lucena PNP ang pagkakakilanlan ng ina. Nabatid na nagbibisekleta si Armando Driz sa likuran ng Love and Care Day Care Center nang makarinig ito ng iyak ng sanggol. Kaagad na tinuntun ni Driz ang pinagmumulan ng iyak hanggang sa mamataan ang sanggol na nakabalot sa tela na basang-basa at halos matabunan na ng mga damo.

Show comments