Mag-asawa, anak lasog sa killer truck

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Nalasog ang katawan ng mag-asawa at anak nila matapos salpukin ng truck sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay Calzada, Ligao City, Albay kamakalawa ng hapon.

Hindi na umabot ng buhay sa Josefina Belmonte Duran Memorial District Hospital ang mag-asawang sina Rodolfo Camonce Sr., 50; Emily Camonce, 49; at ang 11-anyos na anak na si Jessa Mae Camonce na mga nakatira sa Barangay Basag sa nasabing lungsod.

Arestado naman ang drayber ng truck na si Jovit Bello, 25, ng Sitio Tubgon, Barangay Bata sa nasabing lungsod.

Napag-alamang papauwi na ang pamilya Camonce lulan ng motorsiklo nang makasalubong ang truck ni Bello pagsapit sa nasabing barangay.

Show comments