Magkapatid nagpatayan

CAVITE, Philippines – Napatay ang 60-anyos na matandang binata makaraang saksakin ng kanyang nakatatandang kapatid na lalaki sa nagnap na matinding pagtatalo sa loob ngkanilang bahay sa Barangay Bucal 2, bayan ng Maragondon, Cavite kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa leeg ang biktimang si Valeriano Pescasio habang pinaghahanap naman ng pulisya ang 61-anyos na suspek na si Alfredo Pescasio, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay. Sa imbestigasyon ni P01 Arnel Serrano, sumiklab ang pagtatalo ng mag-utol kaugnay sa pinansyal na pangangaila­ngan ng pamilya hanggang sa mauwi sa pananaksak ng suspek. Kaagad na tumakas ang suspek matapos isagawa ang krimen.

Show comments