BULACAN, Philippines – Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng 4-anyos na batang lalaki habang kritikal naman ang kapatid nitong babae matapos silang gilitan ay kinuryerte pa ng sariling lolo sa loob ng kanilang bahay sa Barangay San Juan Baño, bayan ng Arayat, Pampanga kamakalawa ng gabi.
Halos mahati ang leeg nang matagpuang patay sa kama ang biktimang si Joshua Sarcia habang isinasalba naman ang buhay ng kapatid nitong 6-anyos na itinago sa pangalang Nene.
Arestado naman ang suspek na si Angel Pineda, 71, pawang nakatira sa Purok 1 sa nabanggit na barangay.
Sa police report na nakarating sa Camp Olivas, Pampanga, lumitaw na nagpapahingan ang mag-utol sa kanilang kuwarto nang biglang pasukin ng kanilang lolo saka isinagawa ang krimen.
Narinig naman ng mga kapitbahay ang sigaw ng mga bata kaya kaagad silang sumaklolo.
Pinagtulungan agapan ng mga kapitbahay ang tangkang pagpapakamatay ng suspek matapos nitong kuryentehin ang sarili.
Nabatid na nakaranas ng matinding depresyon ang suspek dahil sa naranasan nitong stroke kung saan inamin naman ang pagkakasala dahil sa pag-aakalang mga manok ang dalawang apo.
Kasalukuyang pinag aaralan ng mga magulang ng dalawa kung kakasuhan ang suspek.