Mag-ina ng opisyal ng DPWH, niratrat

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang mag-ina ng opisyal ng  lokal na sangay ng Department of Public Works and Highways makaraang tambangan ng mga di-kilalang lalaki sa Barangay Dodan, bayan ng Aparri, Cagayan kamakalawa.

Naisugod sa Charles Selby Memorial Hospital ang mga biktimang sina Loiny Ann Taguba, 35; at Ludy Taguba III, 14, habang nakaligtas naman ang anak na babae na si Ashley Joy Taguba, 12, at ang driver na si Ludy Taguba Jr.

Lumalabas sa imbestigasyon na pauwi na ang mga biktimang lulan ng kotse na minamaneho ni Ludy nang pagbabarilin pagsapit sa nasabing lugar. Sa police report na nakarating kay P/Chief Insp. Mina Domingo, hepe ng PNP Aparri, sinisilip ang anggulong love triangle at alitan sa trabaho ang isa sa motibo sa pananambang. 

Show comments