MANILA, Philippines – Dalawa pang pulis ang binihag ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) matapos itong harangin sa kahabaan ng highway sa bayan ng Alegria, Surigao del Norte kamakalawa. Kinilala ni P/Supt. Romaldo Bayting ang mga biktima na sina PO3 Democrito Polvoroso at PO1 Marichel Contemplo. Nabatid na lalahok sana sa programa ng lokal na sangay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang dalawang pulis nang harangin ng mga rebelde ang kanilang sasakyan. Patuloy naman ang negosasyon ng binuong Crisis Management Committee para sa ligtas na pagpapalaya sa mga bihag. Una nang binihag ng mga rebelde si PO2 Junnie Amper ng Malimono PNP matapos na harangin sa itinayong checkpoint ng mga rebelde sa nasabing bayan sa Agusan del Norte noong nakalipas na linggo.