MANILA, Philippines – Dalawa-katao ang napatay habang dalawa naman ang nasugatan matapos magsagawa ng pag-atake ang mga rebeldeng New People’s Army sa bahagi ng Sitio Sarabangan, Barangay Tinalmod sa bayan ng Pasacao, Camarines Sur kahapon ng umaga.
Sa ulat na nakarating kay Major Angelo Guzman, tagapagsalita ng Southern Luzon Command, nagsimula ang pag-atake bandang alas-10 ng umaga.
Kaagad namang rumesponde ang tropa ng 49th Infantry Battalion ng Phil. Army kung saan dalawa ang napatay.
Isa sa mga rumespondeng militiamen ang napatay habang isang sibilyan at sundalo naman ang nasugatan sa sagupaan bago tuluyang umatras ang mga amadong rebelde.
Pinaigting naman ang operasyon laban sa mga rebeldeng NPA sa Southern Tagalog.