Basilan warehouse binulabog ng bomba

MANILA, Philippines – Niyanig ng isang pagsabog ang isang copra warehouse sa Basilan kagabi.

Wala namang nasaktan sa pagsabog matapos maghagis ng granada ang isang lalaki sa warehouse na pagmamay-ari ng isang Efren Yu sa Barangay Matatag, Lamian City bandang alas-7 ng gabi.

Ayon sa ulat ng 104th brigade ng Philippine Army, ay wala namang banta sa buhay ni Yu bago ang insidente.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa pagkakakilanlan ng nasa likod ng panggugulo at ang motibo niya.

Show comments