^

Probinsiya

Suspek na amain utas din... 12-anyos todas sa hostage!

Raymund Cantindig at Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Isang 12-anyos na batang babae ang nasawi matapos na pagbabarilin ng kanyang amain na lango sa droga na nang-hostage sa kanya at saka napatay din ang huli ng mga nagrespondeng pulis matapos ang apat na oras na hostage drama loob ng kanilang tindahan sa Asingan, Pangasinan kahapon ng umaga.?

Kinilala ni Chief Insp. Charlie Angyaon, hepe ng Asingan PNP ang napatay na hostage taker na si Orlando Victoria samantalang ang nabaril at napatay niyang step-daughter ay ang 12-anyos na si Lyrell Ameamery Rebucal.?

Lumalabas sa imbestigasyon na unang binaril ng suspect sa paa ang isang  Hermie Ilumin matapos nitong sawayin ang una sa pananakit sa anak-anakan sa kanilang puwesto dakong alas-5 ng madaling-araw. ?

Ayon sa pulisya, may rekord na si Victoria nang pagkalulong sa droga at pagmamaltrato sa kanyang kinakasama na ina ng batang nasawi sa hostage. ?

Nagresponde ang mga tauhan ng PNP Asingan dahil sa pamamaril ni Victoria kay Ilumin pero bago pa nakalapit ang mga awtoridad ay hinostage na ni Victoria ang stepdaughter sa loob ng kanilang tindahan.?

Napilitang paputukan ng mga pulis si Victoria matapos nitong pagbabarilin ang hostage na bata  gamit ang cal. 38 revolver. ?

Kapwa patay ang biktima at suspect sa nabulilyasong negosasyon na ngayon ay masusing iniim­bestigahan ng pamunuan ng PNP.

ASINGAN

AYON

CHARLIE ANGYAON

CHIEF INSP

HERMIE ILUMIN

ILUMIN

ISANG

LYRELL AMEAMERY REBUCAL

ORLANDO VICTORIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with