2 patay, mahigit 40 sugatan sa Batangas Star Tollway accident

MANILA, Philippines - Dalawa ang patay at lagpas 40 katao ang sugatan matapos humampas ang sinasakyan nilang pampasaherong bus sa isang 10-wheeler truck sa Batangas nitong Huwebes ng gabi.

Patay sa aksidente ang konduktor ng Dimple Bus na si Arnel Diaz. Nasawi rin ang 18-anyos na pasaherong si Jade Anthony Dimalibot.

Ayon sa pulisya, matuling tinatahak ng bus ang northbound lane ng Star Tollway sa Marawoy, Lipa nang humampas ito sa trak bandang 11 p.m.

Mabilis na naisugod ang mga biktima sa Mary Mediatrix Medical Center in Lipa City.

Nahaharap na sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and multiple injuries laban sa drayber ng bus.

Show comments