NORTH COTABATO, Philippines – Pinabulagta ang Kumander ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at ang kasama nitong barangay kagawad makaraang tambangan ng mga di-kilalang kalalakihan sa Barangay Romualdez, bayan ng President Quirino sa Sultan Kudarat kamakalawa ng hapon. Kinilala ang mga biktima na sina Abdul Mopa, alyas Kumander Garrison ng 108th Base Command ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Kagawad Karim Dimapalao. Ayon kay MILF Civil Military Affairs Chief, Von Alhaq, magkaangkas sa motorsiklo ang mga biktima nang tambangang pagsapit sa Barangay Romualdez na may ilang metro ang layo sa PNP outpost.