Ret. principal dinedo ng kapatid

SOUTH COTABATO, Philippines –  Kamatayan ang sumalubong sa 66-anyos na retired principal makaraang barilin ng kanyang kapatid na retired teacher naman kahapon ng umaga sa Barangay Topland, Koronadal City sa South Cotabato. Napuruhan sa dibdib ang biktimang si Francisco Arcallo habang pinaghahanap ng pulisya ang suspek na si Piloteo Arcallo, kapwa nakatira sa Purok Upper Libertad sa nabanggit na barangay. Sa salaysay ni Cecile Arcallo, putungong sakahan ang kanyang ama nang harangin at ratratin ng nakababatang kapatid na si Piloteo. Problema sa lupaing sakahan ang pinaniniwalaang ugat ng krimen.

Show comments