2 nene ginasaha, suspek nagpakamatay

MANILA, Philippines – Pinagsasasaksak ng isang lalaki sa Zamboanga del Norte ang kanyang sarili matapos umanong gahasain ang dalawang anak ng kanyang live-in partner.

Nakilala ang suspek na si Arcinio Martonillas, 31, na residente ng Barangay Mabuhay, Liloy, Zamboanga del Norte.

Si Martonillas ang sinasabing nanggahasa sa dalawang batang babaeng edad 6 at 8.

Ayon sa ina ng mga biktima, binalaan siya ni Martonillas na magpapakamatay kapag nagsumbong siya sa mga awtoridad.

Sa kabila nito ay humingi pa rin ng tulong ang ina sa mga pulis upang arestuhin ang suspek.

Naliligo na sa sariling dugo ang suspek nang abutan ng mga pulis na mang-aaresto sana sa kanya.

Show comments