Mag-utol itinumba ng tandem

DIGOS CITY, Davao del Sur, Philippines – Bulagta ang mag-utol na lalaki makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Purok Rose, Barangay San Miguel sa Digos City, Davao del Sur kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang magkapatid na sina Ringo “Jepoy” Guinaling, 24; at George Haris Guinaling,15, kapwa nakatira sa nasabing barangay.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, lumitaw na hinabol ng gunmen ang nagmomotorsiklong si Ringo matapos pababain ang dalawang kaangkas nito.

Sinundan pa ng gunmen ang biktimang pumasok ng kanilang bahay kung saan isinagawa ang pamamaril.

Nadamay din sa pamamaslang ang utol ni Ringo na si George kung saan nakalabas naman ng bahay ang kanilang ama na nakailag sa pamamaril ng tandem.

Sa tala ng pulisya, lumitaw na si Ringo ay may record na kasong pagnanakaw.

Show comments