Army troops tutulong sa Task Force Josie

MANILA, Philippines – Pinakilos na rin kahapon ang tropa ng militar upang tumulong sa PNP-Task Force Josie sa paghahanap sa nawawalang misis ni Camarines Norte Governor Edgar “Egay” Tallado at kasamang aide noong nakalipas na Biyernes.

Ayon kay Captain  Mardjorie Paimela Panesa, Public Affairs Officer, minobilisa na ang 49th Infantry Batallion ng Philippine Army bilang suporta sa Task Force Josie ng Camarines Norte Police.

Nabatid na sina Josefina “Josie”  Tallado, misis ni Gov. Tallado at aide na si  Darlene Mitchell Francisco, 21, ay hindi na nakauwi matapos na magpaalam ang una sa  mister na magtutungo lamang sa bayan ng Vinzons lulan ng kulay itim na Toyota Fortuner (PRI 744).

Nangangamba  ang pamilya Tallado  sa posibilibad na dinukot ang dalawa.

Sa follow-up operation ng pulisya, natagpuan ang sasakyan ni Ginang Tallado noong Sabado ng gabi sa kahabaan ng Mahar­lika highway, Brgy. Napolindan, Camarines Sur.

Show comments