24-anyos dinedo ng chairman

BULACAN, Philippines – Nalalagay sa balag ng alanganing masibak sa tungkulin at makulong ang abusadong barangay chairman matapos nitong barilin at mapatay ang 24-anyos na lalaki sa loob ng Gumaoc Central Barangay Hall sa San Jose Del Monte City, Bulacan kamakalawa ng madaling araw.

Namatay habang ginagamot sa East Avenue Hospital ang biktimang si Edwin Rosales ng Barangay Gumaoc Central habang pinaghahanap naman ang suspek na si Chairman Alfredo Manares.

Ayon kay PO1 Retchie Militante, humingi ng tulong ang biktima sa barangay hall kung saan nakausap naman ang suspek kaugnay sa pambabato sa kanila ng mga di-kilalang lalaki. Sa hindi nabatid na dahilan ay nagkasagutan ang biktima at suspek hanggang sumiklab ang pamamaril.

Napuruhan sa ulo ang biktima habang tumakas naman ang suspek. Posible rin kasuhan ang ilang barangay opisyal dahil nilinis ang crimes scene at ang basyo ng bala ng cal. 45 pistol ay itinago bago pa dumating ang mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO).

Show comments