Magkaibigan bulagta sa adik

CAMARINES NORTE, Philippines – Kamatayan ang sumalubong sa magkaibigang babae matapos itong mapagtripang saksakin ng adik sa bawal na droga sa Brgy. Centro Occidental, bayan ng Polangui, Albay kamakalawa ng hapon. Kinilala ng pulisya ang dalawa na sina Jenyfe Palermo, 19, dalaga, ng Barangay Anopol; at Lovely De Vela, 22, ng Labo, Camarines Norte. Sumuko naman ang suspek na si Raymund Gebelagiun, 24, ng Brgy. Laganak, Balatan, Camarines Sur. Lumilitaw sa imbestigasyon na nag-aaral ang mga biktima sa sala ng Gaspar Badong Apartment nang biglang pumasok ang suspek saka isinagawa ang pananaksak. Dead-on-the-spot si Palermo matapos saksakin sa maselang bahagi ng katawan habang si De Vela naman ay namatay sa Bicol Regional  Training and Teaching Hospital. 

 

Show comments