Sarhento dinedo sa tindahan

NORTH COTABATO, Philippines – Bulagta ang 45-anyos na sarhento ng Phil. Army matapos itong barilin ng kanyang nakaalitan sa loob ng tindahan sa Discom Village, bayan ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao kahapon ng madaling araw. Kinilala ni P/Inspector Datu Tulon Pinguiaman ang biktima na si Sgt. Cristoto Amit ng Tenorio, Barangay Awang at miyembro ng Philippine Army na nakabase sa 6th Infantry Division sa Camp Shiongco. Base sa police report, nasa loob ng tindahan na pag-aari ni Elen Arida ang biktima nang makaalitan nito ang di-kilalang lalaki na humantong sa pamamaril. Narekober sa crime scene ng basyo ng bala ng cal. 45 pistol. Naisugod pa sa Cotabato Regional and Medical Center ang biktima subalit ilang oras lamang ay namatay din ito. 

Show comments