14-anyos inakalang kawatan, binoga

CAVITE, Philippines – Nakikipaglaban kay kamatayan ang 14-anyos na tinedyer na inakalang kawatan matapos itong barilin ng may-ari ng tindahan sa Barangay Ipil 2, bayan ng Silang, Cavite kahapon ng madaling araw. Napuruhan sa likurang bahagi ng katawan ang biktimang si Donato Villareal habang arestado naman ang suspek na si Silvestre Manaig, 53, ng Blk 23 Lot 1 Phase 2A sa Barangay Anahaw sa nasabing bayan. Ayon kay SP01 Edgar Belza, naglalakad ang biktima kasama ang kanyang kaibigan nang barilin ng suspek sa tapat ng pag-aaring tindahan. Pinaniniwalaang napagkamalang kawatan ang biktima matapos itong tumigil sa harap ng tindahan ng suspek.

Show comments