Magsasaka dinedo dahil sa lupa

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Pinaniniwalaang alitan sa lupa ang isa sa motibo kaya pinabulagta ang 59-anyos na magsasaka matapos itong ratratin ng di-kilalang lalaki habang nagpapahinga sa kanyang bahay sa Barangay Marabulig 1, Cauayan City, Isabela kamakalawa ng gabi. ?Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Mariano Rodriguez, hepe ng Cauayan City PNP,  kaswal na pumasok ang gunman sa bahay ng biktimang si Samuel Martinez habang ito ay nanonood ng telebisyon saka isinagawa ang pamamaslang. Nagawa pang isugod sa Cauayan Medical Specialist Hospital subalit namatay din ang biktima matapos tamaan ng bala ng cal. 45 pistol sa ulo. Animo’y walang naganap na pamamaril at naglakad ang gunman patungo sa kanyang motosiklo saka tumakas. 

Show comments