8 Acetylene Gang, arestado
NORTH COTABATO, Philippines – Kalaboso ang binagsakan ng walong miyembro ng notoryus na Acetylene Gang makaraang masakote ng mga tauhan ng pulisya sa isinagawang operasyon sa Purok Waya-Waya, Barangay San Emmanuel sa Tacurong City, Sultan Kudarat kahapon ng hapon.
Pormal na kinasuhan ng pulisya ang mga suspek na sina Palong Panes, 43, ng Ilocos Sur; Christopher Dayao, 23, ng La Trinidad, Benguet; Richard Payas ng Tarlac; Jonathan Habradilla, 31, ng Baguio City; Dario Payoyo, 31, ng Benguet; Elvis Lawig, 52, ng Mt. Province; Allan Diwan, 28, ng Isabela; at si Jhonny Ramos, 35, ng Bisao, Quirino.
Sa tala ng pulisya, ang mga suspek ay tangkang manloob sa banko sa bayan ng Surallah kung saan nakagawa na sila ng tunnel pero nadiskubre ng mga awtoridad nitong nakaraang araw lamang.
Nabatid din na ang mga suspek ay pawang minero mula sa Cordillera Administrative Region (CAR).
Lumiltaw din sa pagsisiyasat na lumipat ng modus operandi ang mga suspek mula sa bayan ng Surallah patungong Tacurong City kung saan sila nasakote.
Nasamsam sa nasabing grupo ang ilang granada, mga baril at mga gamit sa paghuhukay.
- Latest