Mister nanunog ng bahay

BULACAN, Philippines – Malubhang nasugatan ang 40-anyos na karpintero makaraang sunugin nito ang bahay ng kanyang nakaalitan bago nagtangkang magbigti sa Barangay Lawa, Meycauayan City, Bulacan kamakalawa ng hapon. Sa imbestigasyon ni PO3 Fulgencio Muren, lango sa alak si Victor Policarpio nang sunugin nito ang bahay ni Armando Llanillo na sinasabing nakaalitan nito. Kaagad namang rumesponde ang mga bumbero kaya kaagad na naapula ang apoy habang tumakas naman si policarpio kahit sugatan sa sunog. Gayon pa man, tinangkang magbigti ni Policarpio sa bahay ng kanyang ama subalit naagapan ng ilang kaanak kung saan isinugod sa Santa Clara De Montefalco Medical Center.

Show comments