MANILA, Philippines – Himas-rehas sa susunod na 10 taon ang isang dating alkalde ng lungsod sa Southern Leyte para sa kasong graft.
Inilabas ng Sandiganbayan ang kanilang desisyon laban kay dating Lilo-an Mayor Zenaida Maamo matapos kunin ang mismong negosyong catering service para sa pagbisita ni dating Pangulo Fidel Ramos noong 1995.
Kaakibat ng kautusa ay ang pagbabawal kay Maamo na humawak ng kahit anong posisyon sa gobyerno habambuhay.
“It was highly irregular for a municipal mayor to approve a contracting service in favor of a business she owned and operated," nakasaad sa desisyon.
Nakasaad sa Section 3(h) ng Republic Act 3019 na: “prohibits public officials from having a direct or indirect financial or pecuniary interest in any business, contract or transaction in which he either intervenes or takes part in his or her official capacity.”
Lumabas sa imbestigasyon na nakuha ng Niña’s Eatery and Lodging House ang kontrata para sa food catering sa halagang P87,000.
Nakasaad din sa Statements of Assets, Liabilities and Net Worth ni Maamo na pag-mamay-ari niya ang naturang Eatery.