Basurero pisak sa garbage truck

TUGUEGARAO CITY , Philippines– Durog ang isang basurero matapos siyang madulas sa pagkakasabit at magulu­ngan ng sinasakyang garbage truck sa Barangay Alno, La Trinidad, Benguet kamakalawa.?

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Lazarro Kidatan, 52, habang ang driver ng truck ay si Jeffrey Gillarda, 51, kapwa taga Barangay Alapang, La Trinidad, Benguet.?

Lumalabas sa imbestigasyon na patungo ang garbage truck sa Alno dump site nang madulas ang biktima sa pagkakasabit sa kanang bahagi ng truck.? Nagawa pang maisugod ng driver ang biktima sa hospital suba­lit binawian ng buhay habang ginagamot. (Raymund Catindig)

 

Show comments