^

Probinsiya

3 miyembro ng pamilya, utas sa landslide

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nalibing nang buhay ang tatlong miyembro ng isang pamilya habang masuwerteng nakaligtas ang anak ng isa pang mag-asawa sa landslide sa  Brgy. Sinuda, Kitaotao, Bukidnon kamakalawa.

Ayon kay Chief Inspector Jiselle Longgakit, Spokesperson ng Bukidnon Police, kabilang sa mga biktima ay ang padre de pamilya, ina at isang batang anak mula sa pamilya Unsay.

“Sketchy pa lang yung report samin nun brgy. kagawad, masyado malayo yun area, nagpunta na dun yun search and retrieval team,” ani Longgakit.

Ang nasabing lugar ay tinatayang nasa 100 kilometro ang layo o maihahambing sa dalawang araw na paglalakad bago makarating sa sentrong bahagi ng bayan ng Kitaotao.

Base sa inisyal na pagsisiyasat, mahimbing na natutulog ang mag-anak sa loob ng kanilang tahanan sa paanan ng bundok sa pagitan ng alas-7 at alas-8 ng gabi nang dumaluhong ang lupa mula sa liblib at mala­yong bulubunduking barangay sa bayan ng Kitaotao.

Masuwerte  namang nakaligtas sa insidente ang isang batang anak ng mag-asawa  pero hindi pa ito makausap dahilan sa tindi ng trauma na patuloy pang nilalapatan ng lunas sa pagamutan.

Ang  landslide ay sanhi ng malalakas na pag-ulan sa lugar umpisa pa nitong mga nakalipas na araw. (Joy Cantos)

AYON

BRGY

BUKIDNON

BUKIDNON POLICE

CHIEF INSPECTOR JISELLE LONGGAKIT

JOY CANTOS

KITAOTAO

LONGGAKIT

MASUWERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with