Anak ng ex-Masbate vice guv itinumba; gunman kinuyog

MANILA, Philippines – Patay sa pamamaril ang anak ng dating bise-gobernador ng lalawigan ng Masbate ngayong Huwebes.

Nakilala ang biktima na si Enrico Legaspi, anak ni dating Masbate vice governor Edgar Legaspi.

Ayon sa pangunang imbestigasyon,  nakatambay sa loob ng Hums Cup Coffee Shop ng Barangay F. Magallanes ang biktima nang barilin ng suspek bandang ala-1 ng madaling araw.

Kinilala ng mga pulis ang suspek na si Arnel Rovera na pinagtulungang patayin ng mga kaibigan ng biktima.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa likod ng pamamaslang sa nakababatang Legaspi.

Show comments