MANILA, Philippines - Masaklap ang sinapit ng 21-anyos na saleslady na pinilahan ng tatlong bangag sa droga sa harapan ng kaniyang boyfriend matapos holdapin sa Barangay Pitalo, bayan ng San Fernando, Cebu, noong Lunes ng gabi.
Sa salaysay ng magkasintahan sa pulisya, naganap ang insidente noong Linggo ng madaling araw (Sept. 21) kung saan naglalakad ang magkasintahan nang harangin at holdapin ng tatlong bangag na lalaki.
Agad kinulimbat ng tatlo ang mga cellphone at pera ng magkasintahan saka tinanong kung magsyota ang dalawa.
Nang tumango ang dalawa ay kinaladkad sila sa masukal na bahagi saka pinagse-sex sila ng mga suspek para panoorin ng live at i-video sa cellphone pero tumanggi si Carlo.
Dahil dito ay nainis ang mga suspek kaya hinubaran ang babae saka pinilahan sa harap ng kaniyang boyfriend habang tinututukan ng balisong at pinipilit manood sa pambababoy sa nasabing babae.
Sa ulat ni P/Chief Inspector Sarah Jean Recla, hepe ng San Fernando PNP, nasakote sa follow-up operation at kinasuhan ang dalawang suspek na sina Kevin Cabrera, 23; at Arnel Ladica, 29, mga kilalang adik sa bawal na droga.
Patuloy namang pinaghahanap ang isa pang suspek na nakatakas sa dragnet operations ng pulisya.