Drug pusher, inutas

BULACAN, Philippines – Pinabulagta ang 35-anyos na lalaki na sinasabing notoryus na drug pusher  matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem gunmen sa Barangay Gumaoc Central, San Jose Del Monte City, Bulacan kamakalawa ng hapon. Dalawang tama ng bala ng cal. 45 pistol ang tumapos sa buhay ni Luis Cabuang Jr. ng Del Monte Heights, Barangay Kaypian sa nasabing lungsod. Sa imbestigasyon ni PO1 Ritchie Militante, nakikipag-inuman ang biktima kasama ang ilang kaibigan nang lapitan at kaladkarin ng  dalawang armadong lalaki  papalayo sa mga kainuman. Nakakuha naman ng pagkakataon ang biktima na makahulagpos subalit binaril siya sa ulo saka pinutukan pa sa katawan.

Show comments